Ang "karakol" ay tumutukoy sa pagsasagawa ng prusisyon habang isinasayaw ang imahe ng birhen paikot mula sa karagatan hanggang sa mga kalsada ng Rosario na nagtatapos sa simbahan. Maraming bersyon ang pinaniniwalaan kung saan nagsimula ang tradisyong ito sa bayan ng Rosario. Isa sa pinakasikat na bersyon ay nang diumanong nakita ang imahe ng birhen ng mga kabataan na inaanod malapit sa dalampasigan ng bayang ito. Kanila daw itong itinago ngunit himalang natatagpuan lagi itong nakalutang sa may dalampasigan. Kumalat ang balitang ito sa buong bayan at sa tindi ng pananampalataya ng mga tao dito, ginawa nilang patrona ang nasabing imahe at nagsimulang magsagawa ng "karakol". Kasabay din nito ang pagpapalit ng pangalan ng bayang ito mula sa Salinas Marcella sa Rosario. Mula noon hanggang sa kasalukuyan, ang "karakol" ay taunang isinasagawa sa bayang ito.
Luyos, Tanauan CIty, Batangas fiesta 2014 | |
2 Likes | 2 Dislikes |
363 views views | 15 followers |
Music | Upload TimePublished on 22 Jan 2014 |
Không có nhận xét nào:
Đăng nhận xét